Aetas of Banaba

Isang maikling paglalakabay sa kubundukan ng Pampanga, mainit, maalikabok sanhi ng pagputok ng Pinatubo maraming taong na ang nakalipas, matagtag dahil 4X4 lang na sasakyan ang kayang makarating sa Sitio Banana. Isang paglalakbay upang kumatawan sa pagbabahagi ng biyaya ng mga kasapi ng ating Coop. 

Hindi ko alam kung ano ang aming daratnan, kung magiging katanggap-tangap kami sa kanila. Ngunit dahil sa maganda ang aming hangarin nanatiling positibo ang aking pananaw pati na ng aking mga kasama. 

 

Ang mga batang Aeta ng Porac, Pampanga, nakatago sa kanilang mga kubo ng kami ay dumating. Nang subukan kong kausapin upang magpaalam dahil kukunan ko sila ng litrato ay kapansin-pansin ang katanungan sa kanilang mga mata kung sino at bakit kami naroon.

Pagkatapos ng pakikipag-usap sa mga nakatatandang Aeta, nagkaroon sila ng sarili nilang pag-uusap. Hindi ko maintindihan kasi ka-pampangan ang kanilang salita, napag-alaman ko lang na ayos na ang lahat ng sila’y maglabasan sa kanilang mumunting kubo na may ngiti sa kanilang mga mukha.Dumami pa lalo nang magbigay kami ng kendi, biskwit at chichiria. 

Tinanong ko kung saan sila kumukuha ng tubig, may sapa raw sa ibaba, mga 30 minuto kung lalakarin. Malamang kung kami yung, baka abutin ng 45 minuto hanggang 1 oras. Paano pa kung may buhat-buhat kaming container na may tubig. 

Mga dalawang oras lang ang aming itinagal sa Sitio Banaba upang alamin kung paano makakatulong. Ngunit sa sandaling iyong, nagpasalamat ako kung anong meron ako lalo ng ng sabihin nilang bigas, asin, “ketchup” at sarsa lang ni Mang Tomas, piyesta na ito para sa kanila. 

Sa aming pag-uwi, hindi ko na naramdaman ang init at aking pagod dahil kami ay muling babalik dala ang tulong mula sa mga kasapi ng ating Coop.

Copyright GMA 7 Employees Multi-Purpose Cooperative